
“Nagiging blooming ang isang babae kapag sinusuportahan ka talaga ng partner mo, all throughout wala siyang reklamo, and nandiyan siya para i-guide ka pa. Ganun ka-supportive sa akin si Dong." - Marian Rivera
Sa press conference ng Yan Ang Morning!, April 28, naikuwento ni Marian kung gaano siya kasuportado ng kanyang asawa sa bago niyang talk show.
Ika niya, “Napaka-supportive ni Dong, kaya napaka-thankful ko.” Minsan pa nga raw ay nagtanong siya sa kanyang asawa kung ano nga ba ang tamang way ng pagdidisiplina sa bata, at very enthusiastic naman daw sa pagsagot ang aktor.
Dagdag pa niya, “Nagiging blooming ang isang babae kapag sinusuportahan ka talaga ng partner mo, all throughout wala siyang reklamo, and nandiyan siya para i-guide ka pa. Ganun ka-supportive sa akin si Dong, kaya masaya. Although, inaamin ko mahirap naman talaga ang mga bagay na hindi ka pamilyar. Pero unti-unti rin siguro matutunan ko rin.”
Mapapanood na ang Yan Ang Morning! this May 2, 10:45AM!
MORE ON YAN ANG MORNING!:
Marian Rivera, magkakaroon na ng sarili niyang talk show?
SNEAK-PEEK: Marian Rivera and Boobay team-up for GMA's new talkshow Yan Ang Morning!