
Bibida ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa upcoming Cinemalaya 2024 entry na Balota, na co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya.
Ibinahagi ni Marian sa Facebook ang isang video kung saan makikita ang ilang behind the scenes photos niya sa set ng naturang pelikula, kung saan ginagampanan niya ang role ni Emmy, isang guro. Mapapanood din sa video ang pasilip sa paggawa ng kanyang deglamorized look.
“Pasilip muna sa set namin sa Balota,” sulat niya sa post.
Noong Hunyo, in-upload rin ng renowned actress ang ilan pang pasilip sa set ng kanyang pagbibidahang pelikula.
Sa isang panayam, nabanggit ng celebrity mom na marami siyang na-experience na first time sa Balota.
“Sobrang excited ako kasi dito ko nagawa ang lahat ng first time ko --- no makeup, ayaw ni Direk na naka-makeup. Dito 'yung mga linyahan na di ko nagagawa sa mga soap opera at saka sa pelikula. Pangatlo, ito 'yung rurok ko yata na 'yung fight scene ay hindi ako nagpa-double kaya ang dami-dami kong sugat. Okay lang, sabi ko nga, gagaling at gagaling din 'yan. Ang importante ay nabigay ko 'yung 100 percent ko sa pelikula,” aniya.
Bukod kay Marian Rivera, kasama rin sa cast ng Balota sina Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, Esnyr, at Sassa Gurl.
Ang naturang pelikula ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda.
SILIPIN ANG MGA EKSENANG NAGANAP SA STORY CONFERENCE NG BALOTA SA GALLERY NA ITO.