Celebrity Life

Marian Rivera, nakiusap na 'wag husgahan ang kaniyang breastfeeding advocacy

By Bianca Geli
Published August 24, 2019 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Indian family of alleged Bondi gunman didn't know of 'radical mindset', Indian police say
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Isa si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa celebrities na tumatangkilik sa breastfeeding kaya naman lubos ang suporta niya sa breastfeeding campaigns.

Isa si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa celebrities na tumatangkilik sa breastfeeding kaya naman lubos ang suporta niya sa breastfeeding campaigns.

Marian Rivera
Marian Rivera

Kuwento ni Marian sa kaniyang recent Instagram post, kahit nakakakain na si Baby Ziggy ng solid food ay patuloy pa rin siya sa pag-breastfeed dito.

Nais kong ipakita ang suporta ko sa breastfeeding advocacy magmula noon hanggang ngayon. Bagamat nakapagsimula ako ng solids kay Ziggy sa mga nakaraang araw base sa payo ng aming pediatrician, wala akong plano na ihinto ang aking pagiging padedemom sa aking bunso. Batid ko ang kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso mula 0-6months. Isang pakiusap lamang po, nawa'y sa adbokasiyang eto ay hindi tayo makasakit ng damdamin ng mga kapwa natin ina, nawa'y hindi gamitin ang pangalan ko sa mga kumento at mensahe na humuhusga sa pag bigay ko ng masustansyang gulay sa aking anak. Kinikilala ko po ang rekomendasyon ng WHO patungkol sa complementary feeding. Eto po ang sundin nyo. Kung meron man akong ginawa na hindi base dito, huwag naman sana itong maging batayan para ako ay mahusgahan. Lahat po tayong ina ay gusto lamang ang “best” sa kanyang anak. Hanggat kaya ko ay lalaban ako bilang #padedemom

Isang post na ibinahagi ni Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) noong

“Nais kong ipakita ang suporta ko sa breastfeeding advocacy magmula noon hanggang ngayon. Bagamat nakapagsimula ako ng solids kay Ziggy sa mga nakaraang araw base sa payo ng aming pediatrician, wala akong plano na ihinto ang aking pagiging padede mom sa aking bunso. Batid ko ang kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso mula 0-6 months.”

Bagamat isinusulong ni Marian ang breastfeeding, naniniwala rin siya sa importansya ng masustansiyang pagkain kaya nakiusap ang aktres na sana'y 'wag husgahan ang kaniyang pag-complementary feeding o pagpapakain ng solid food sa sanggol habang patuloy ang breastfeeding.

Marian Rivera honored for being an inspiration to Padede Moms

Aniya, “Isang pakiusap lamang po, nawa'y sa adbokasiyang ito ay hindi tayo makasakit ng damdamin ng mga kapwa nating ina, nawa'y hindi gamitin ang pangalan ko sa mga komento at mensahe na humuhusga sa pagbigay ko ng masustansyang gulay sa aking anak. Kinikilala ko po ang rekomendasyon ng WHO patungkol sa complementary feeding.

Dagdag ni Marian, “Eto po ang sundin n'yo. Kung meron man akong ginawa na hindi base dito, huwag naman sana itong maging batayan para ako ay mahusgahan. Lahat po tayong ina ay gusto lamang ang “best” sa kanyang anak. Hanggat kaya ko ay lalaban ako bilang #padedemom.”

WATCH: Ilang celebrities, proud to be breastfeeding moms

15 times Marian Rivera showed just how fashionable Filipino weaves truly are