GMA Logo Marian Rivera
What's Hot

Marian Rivera wants to work with 'Balota' diretor Kip Oebanda again

By Dianne Mariano
Published July 11, 2024 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Nais ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na muling makatrabaho ang direktor na si Kip Oebanda.

Bibida si Marian Rivera sa 2024 Cinemalaya entry na Balota, na co-produced ng GMA Pictures with GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa Kapuso Primetime Queen, ibinahagi niyang nagtulungan sila ng direktor ng pelikula na si Kip Oebanda sa pagbibigay-buhay sa kanyang karakter na si Emmy.

“Masasabi ko siguro na naging madali para sa akin na hubugin 'yung character ni Teacher Emmy siguro dahil napakagaan kausap ni Direk. Kumbaga hinuhulma niya sa akin kung sino si Teacher Emmy. So hindi ako naging mahirap na parang pasukin 'yung character na 'yon,” kwento niya.

Sa isa pang panayam, sinabi ng aktres na nais niyang muling makatrabaho si Direk Kip.

“Gusto ko uli siyang makatrabaho. May separation anxiety kaming dalawa. Parang seven days lang kaming halos magkatrabaho pero sabi ko, 'Bakit gano'n? after matapos 'yung Balota, naiiyak ako.' Mami-miss ko 'tong Balota. Mami-miss ko lahat ng kasama ko rito,” aniya.

Para pa kay Marian, nanumbalik ang kanyang fulfillment sa trabaho matapos ang taping ng Balota.

“Hindi ko mapaliwanag 'yung pakiramdam ko after ko matapos 'yung Balota. Parang palagi kong sinasabi, lalo na sa asawa ko na, alam mo 'yung ang tagal ko sa showbiz pero parang bumalik ulit 'yung fulfillment ko sa sarili ko sa paggawa ng trabaho,” saad niya.

SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG BALOTA SA GALLERY NA ITO.