GMA Logo Maricel Laxa
PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit
What's on TV

Maricel Laxa shares lesson from Gemma in 'Apoy sa Langit'

By Maine Aquino
Published September 1, 2022 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

Maricel Laxa


Ibinahagi ni Maricel Laxa ang kahalagahan ng healthy boundaries mula sa karakter niyang si Gemma sa 'Apoy sa Langit.'

Inamin ni Maricel Laxa na may importante siyang aral na natutunan sa karakter niyang si Gemma sa Apoy sa Langit.

Simula May 2022 ay napanood natin ang pagganap ni Maricel bilang mapagmahal at mabait na asawa at ina sa Apoy sa Langit. Ngayong darating na September 3, mapapanood na natin ang mangyayari sa karakter ni Gemma pagkatapos niya dumaan sa iba't ibang klase ng pagsubok sa buhay.

Apoy sa Langit

PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit

Kuwento ni Maricel sa Kapuso Artistambayan nitong August 31, "Sa character ko na-reinforce 'yung need for a person to really have boundaries, healthy boundaries."

Inilahad ng mahusay na aktres na may mga nagtatanong sa kanya kung bakit napakabait ng kanyang role na Gemma sa Apoy sa Langit.

"Lahat ng mga taong nakakausap ko pagka naaalala nila si Gemma, 'pag nakikita nila ako, sasabihin nila bakit ang bait bait naman ni Gemma?"

Paglilinaw ni Maricel ang pagiging mabait ng isang tao ay dapat may boundaries. Ito raw ay makikita sa kinahinatnan ng buhay ni Gemma sa Apoy sa Langit at sana ay magsilbing aral sa mga manonood.

"Puwede naman tayong maging mabait, huwag lang tayong sobrang mabait na to a point na we enable people to be bad. Or, we don't take care of ourselves."

Dugtong pa ng Apoy sa Langit star, "'Yun, 'yung isang bagay na napakahalaga talagang matutunan sa buhay ni Gemma na maganda 'yung mabait ka, pero kailangan mayroon ka ring boundaries para hindi ka inaabuso ng mga tao, at hindi patuloy na mang-aabuso 'yung mga tao sa ibang tao. At the same time, maaalagaan mo 'yung sarili mo para hindi ka mapupunta doon sa punto na litong litong ka na kung ano 'yung totoo at kung ano 'yung hindi totoo."

Importante rin raw ang pagpapahalaga sa boundaries para maprotektahan ang sarili at mga mahal sa buhay.

"Hindi ka mako-confuse sa mga intention ng mga tao kung mayroon kang boundaries. Mapoprotektahan mo rin 'yung mga mahal mo sa buhay na totoong nagmamalasakit sa 'yo."

Panoorin ang nalalapit na pagtatapos ng highest-rating afternoon drama of 2022 at number one program on GMA Network's YouTube channel na Apoy sa Langit, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.

SAMANTALA, BALIKAN ANG LITRATO NINA MARICEL AT MARIZ RICKETTS SA APOY SA LANGIT DITO: