GMA Logo Apoy sa Langit
What's on TV

Maricel Laxa, halos himatayin sa eksena sa 'Apoy sa Langit'

By Maine Aquino
Published July 29, 2022 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Indonesia tightens rules for Airbnb-style rentals
Tension erupts as around 500 houses demolished in Davao City
'Saglit Lang' to be staged this April

Article Inside Page


Showbiz News

Apoy sa Langit


Alamin ang nangyari kay Maricel Laxa sa taping ng makapigil-hiningang eksena sa 'Apoy sa Langit.'

Ibinahagi ni Maricel Laxa ang kanyang naramdaman nang i-shoot nila ang nangyaring big reveal sa Apoy sa Langit.

Nitong July 26, ipinalabas sa GMA Afternoon Prime drama na nahuli na ni Gemma (Maricel) ang tunay na relasyon nila Cesar (Zoren Legaspi) at Stella (Lianne Valentin).

Kuwento ng mahusay sa aktres sa ginanap na live chat with the cast of Apoy sa Langit, ay nag-iba ang kanyang pakiramdam ng gawin niya ang eksenang ito.

Ani Maricel, "Nagdilim 'yung paningin ko. Nanginginig ako sa tuhod."

Sa eksenang iyon ay may ilang beses na nagsisigaw si Gemma dahil sa kanyang natuklasan. Pag-amin ni Maricel na akala niya ay mawawalan na siya ng malay sa eksena.

"Kulang na lang maubusan ako ng hininga. Akala ko hihimatayin talaga ako e."

Ang taping ni Maricel sa eksenang ito ay nakakuha ng napakaraming papuri dahil sa kanyang emosyonal na pagganap bilang Gemma.

Komento ng mga netizen ay ramdam nila ang sakit na naramdaman ni Gemma sa kanyang pagganap. May mga nagsabi rin na walang kupas ang husay ni Maricel sa pag-arte.

Nakatanggap rin ng mataas na views at ratings ang episode na ito ng Apoy sa Langit.

Balikan ang eksenang ito sa Apoy sa Langit.