
Nagbabalik ang nakatutuwang matchmaking game ngayong Linggo sa The Boobay and Tekla Show.
Sasabak ang Sparkle actress na si Mariel Pamintuan, a.k.a. Miss Uhaw, sa “Pusuan Na 'Yan,” kung saan tutulungan siya nina Boobay at Tekla sa paghahanap ng potential partner.
Ang tatlong maglalaban para sa atensyon ni Miss Uhaw ay sina Larkin Castor, a.k.a. Mr. Sago't Gulaman; Prince Carlos, a.k.a. Mr. Iced Coffee; at Migs Almendras, a.k.a. Mr. Pineapple Juice.
Magtatanong si Miss Uhaw ng iba't ibang mga katanungan para makatulong sa pagpili ng kanyang ka-date.
Sa huli, si Miss uhaw at ang kanyang mapipili ay magkakaroon ng isang weekend getaway.
Exciting 'di ba'? Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, May 19, 10:05 p.m, sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.