GMA Logo Mariz Ricketts
What's on TV

Mariz Ricketts, masaya na naging comeback show niya ang 'Apoy sa Langit'

By Maine Aquino
Published August 29, 2022 5:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Mariz Ricketts


Mariz Ricketts: "What a comeback talaga!"

Masayang-masaya si Mariz Ricketts na naging comeback show niya ang tinututukang GMA Afternoon Prime drama na Apoy sa Langit.

Sa nalalapit na pagtatapos nito, puno ng saya si Mariz na ito ang proyektong kanyang ginawa sa pagbabalik sa pag-arte pagkatapos ng 12 taon.

"Sobrang saya, what a comeback talaga!" Saad ni Mariz sa ginanap na finale media conference ng Apoy sa Langit.

Ayon kay Mariz o Blessie sa Apoy sa Langit, umaasa siya na masundan pa ng ibang projects ang kanyang pagbabalik sa pag-arte.

PHOTO SOURCE: @mommymaricel

"Hopefully. Siyempre nag-enjoy ako talaga."

Pag-amin ng aktres, nagkaroon siya ng realization nang sumabak siya muli sa pag-arte sa Apoy sa Langit bilang bestfriend ni Gemma (Maricel Laxa).

"Sabi ko nga na-realize ko na parang nami-miss ko talaga at ito talaga ang gusto kong gawin. Siguro nag-stop lang ako dahil nagpalaki ako ng mga anak tapos nalibang ako doon. Gusto kong makasama sila at alagaan and all."

Kuwento pa ni Mariz, ngayong malalaki na ang mga anak ay gusto niya na ulit tutukan ang kanyang acting career.

"Ngayon na okay na sila, malalaki na, ready na ako ulit. Happy naman ako na itong opportunity na ito ay dumating."

SAMANTALA, NARITO ANG PHOTOS NINA MARIZ AT MARICEL SA APOY SA LANGIT: