GMA Logo mark herras
Source: herrasmarkangeloofficial (Instagram)
What's Hot

Mark Herras, labis na nag-alala nang mahawaan si Baby Corky ng COVID-19

By Jimboy Napoles
Published January 28, 2022 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

mark herras


Naiyak raw si Mark Herras sa kalagayan ni Baby Corky nang mahawa siya ng COVID-19 sa kanila ni Nicole Donesa.

Kabilang sa listahan ng celebrities na nagpositibo sa COVID-19 ngayong January 2022 surge ang pamilya ng aktor na si Mark Herras at asawa niyang si Nicole Donesa. Maging ang kanilang mag-iisang taong gulang na anak na si Mark Fernando o Baby Corky ay nahawaan din ng virus.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, ibinahagi ni Mark ang kanyang labis na pag-aalala sa anak nang makita niya itong nagkakasakit.

Kuwento niya, "After two days of trangkaso, nahawa si Corky, Tito Lhar, so sobrang stress kami. Umiiyak ako 'nung gabi kasi nakita ko kung paano mahirapan 'yung bata."

Mabuti na lamang daw ay matapos ang isang linggo na quarantine ay bumuti na ang kanilang kondisyon.

"Pero sa awa naman ng Diyos, after a week lang din nawala na 'yung symptoms namin," ani Mark.

Ngayon ay naghahanda na rin ang pamilya para sa first birthday ni Baby Corky ngayong January 31.

Mapapanood naman si Mark ngayong Sabado, January 29, sa episode ng Wish Ko Lang! kasama sina Althea Ablan, Royce Cabrera, at Jelai Andres.

Bibida rin si Mark sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247 kasama sina Rhian Ramos, Kris Bernal, at Benjamin Alves.

Samantala, silipin naman ang mga larawan ng masayang pamilya nina Mark, Nicole, at Baby Corky sa gallery na ito: