GMA Logo Martin del Rosario
Source: martinmiguelmdelrosario (IG)
What's on TV

Martin del Rosario gives update on dad's health: 'Ngayon, okay na siya'

By Kristian Eric Javier
Published July 29, 2026 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Vice President Sara Duterte Defense Team presscon (July 29, 2026) | GMA News
DOT is hosting a free watch party for SB19's Lollapalooza performance
Marcos inspects housing project in Duterte stronghold Davao City

Article Inside Page


Showbiz News

Martin del Rosario


Nagbigay ng health update si Martin del Rosario tungkol sa kaniyang ama. Alamin ang kwento dito.

Matapos sumailalim ang ama ni “Tayo Lang ang Nakakaalam” star Martin del Rosario sa quintuple bypass surgery, maayos na umano ang lagay nito at nagpapagaling sa intensive care unit (ICU).

Matatandaan na nitong July 28, umapela si Martin sa mga mamamayan na mag-donate ng 16 bags ng dugo para sa operasyon ng kaniyang ama. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, July 28, kasama si Yayo Aguila, ibinahagi ni Martin na kailangan nila ang dugo dahil nanghiram lang sila sa Heart Center.

“Nag-undergo siya ng quintuple heart bypass. Ngayon, okay na siya, safe na siya sa ICU so thank you sa mga doctors niya,” sabi ni Martin.

Ayon sa aktor, mayroon na silang anim na bag ng dugo at kailangan na lang nila ng sampu.

Sa naunang post ni Martin, sinabi niyang triple bypass surgery ang kailangan ng kaniyang ama. Ngunit sa GMA Afternoon Prime talk show, sinabi niyang lima ang nakabara sa coronary arteries ng kaniyang ama na di-hamak na mas delikado kaysa sa naunang ibinalita niya.

“Fatal 'yun e, 'yung limang bara. Usually, 'yung tatlong bara is nakakamatay, but 'yung lima, nakuha namin nang maaga 'yung dad namin,” sabi ni Martin.

Ayon sa Cleveland Clinic, ang triple bypass surgery ay isinasagawa sa mga taong may blockages ang coronary arteries na nagsu-supply ng dugo sa heart muscle. Sa procedure, gagamit ang surgeon ng isang healthy blood vessel mula sa ibang parte ng katawan para gumawa ng bagong pathway na dadaluyan ng dugo.

Ayon sa The University of Kansas Health System sa YouTube, mas extensive, rare, at demanding ang quintuple bypass surgery dahil limang blood donor vessels ang kailangan nilang hanapin kumpara sa tatlo lang.

Mas maraming bypass, ibig sabihin, mas malawak na ang pagkalat ng coronary artery disease sa puso.

BALIKAN ANG CELEBRITIES AT ANG KANILANG LOVED ONES NA NAOSPITAL NOONG 2023 SA GALLERY NA ITO: