GMA Logo Martin del Rosario
What's Hot

Martin del Rosario, haharapin muli ang hamon ng 'Anino sa Likod ng Buwan'

By Marah Ruiz
Published June 23, 2025 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Martin del Rosario


Haharapin muli ni Martin del Rosario ang hamon ng 'Anino sa Likod ng Buwan' sa rerun nito.

Magbabalik sa entablado si Kapuso actor Martin del Rosario sa rerun ng stage play na Anino sa Likod ng Buwan.

Kaakibat nito ang muli niyang pagharap sa hamon ng tinaguriang "the most provocative play of 2025."

Isa na daw dito ang pagbabalik ng disiplina ni Martin para paghandaan at gampanan ang kanyang karakter.

"[Ibabalik ko] 'yung disiplina kasi first time ko sa play. Isipin niyo almost two hours, tatlong characters lang kami. Sobrang haba noong lines, mahaba 'yung script, very intense, very sensual, political. Lahat na ng hirap, lahat na ng challenges as an actor, nandito," bahagi ng aktor sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.

Masaya naman siyang nagampanan niya nang maayos ang lahat ng inaasahan sa kanya.

"Kaya nga noong una dinoubt ko 'yung sarili ko kung kaya ko ba 'to. Pero mahilig ako sa challenges, tinaggap ko 'tong challenge na 'to. Sa mabuting palad naman, kinaya ko. Proud ako na natapos ko ito," paggunita niya.

Sa palagay daw ni Martin, mas madali na niyang mapapaghandaan ang pagbabalik sa entrablado dahil sa experience na ito.

"So itong sa rerun, siguro, ang challenge sa akin na kailangan kong mag-dive ulit. Doon sa kasi dati, bulag akong nag-dive doon sa character. Pinagdaanan ko 'yung hirap physically, 'yung training, 'yung disilplina. Ngayon kasi nag-let go muna ako sa character, bumitaw ako. Siguro 'yung challenge ngayon is paano ako babalik doon sa pinagdaanan ko noon," pahayag niya.

Ang Anino sa Likod ng Buwan ay isang dula na isinulat ng award-winning writer at director na si Jun Robles Lana.

Kuwento ito ng mga taong napilitang manirahan sa gubat sa Marag Valley noong dekada '90 para takasan ang labanan sa pagitan ng militar at mga komunista.

Noong 2015, ginawa niya itong pelikula na may parehong pamagat at pinagbidahan nina LJ Reyes, Anthony Falcon, at Adrian Alandy.

Itinanghal muli ang stage play nitong nakaraang Marso at ito ang nagsilbing theater debut ni Martin.

Sa pagbabalik nito sa October, muling makakasama ni Martin ang co-stars na sina Elora Españo at Ross Pesigan.