
Handang-handa na araw ang actor na si Matteo Guidicelli na gawin ang isa pinakaimportanteng role sa pamilya, ang maging tatay.
Sa katunayan, ito ang nabanggit niyang Christmas wish nang tanunging sa ginanap na media interview niya noong Biyernes, November 17, sa opisina ng Viva Entertainment sa Pasig City.
“I guess for 2024 or in the future, sana mag-baby na kami. Sana, in God's time,” nakangiting sabi ni Matteo.
At nang tanungin kung gaano na siya kahanda, aga niyang sagot, “Reading-ready!”
Ayon sa Penduko actor, matagal naman na nilang pinag-uusapan ng asawa niyang si Sarah Geronimo ang pagsisimula ng sarili nilang pamilya.
Aniya, “At the end of the day my priority is my wife and my family. I think that's part of the plan. But again, you can't plan too hard because it's God that gives us these blessings. So, let's just hope for the best and do what we have to do.”
Sa ngayon, masaya si Matteo dahil bibida siya sa kanyang kauna-unahang pelikula sa Metro Manila Film Festival. Kaya naman sa darating na Pasko, maiiba ang selebrasyon ng pamilya Guidicelli.
Sabi ni Matteo, “Wala pang concrete plans [for Christmas], pero just with the family maybe in Cebu, just with everybody. Sabi namin, 'This December 25, sinehan muna tayong lahat, ha.' Um-okay naman silang lahat. Mag-theater tour tayo.”
Excited na rin ang Black Rider actor sa gaganaping MMFF Float Parade.
“Dati napapanood ko lang sa TV, nakikita sa pictures dati. Ngayon po, kasama na talaga ako sa parade at makatapon na rin ako ng T-shirt. Mamimigay tayo ng T-shirt doon.”
NARITO ANG ILAN PANG KAPUSO STARS NA BIBIDA SA MMFF 2023 MOVIES: