What's on TV

Maybelyn Dela Cruz, Biboy Ramirez, nagsisisi ba sa pag-alis sa showbiz?

By Kristian Eric Javier
Published July 10, 2024 11:36 AM PHT
Updated July 10, 2024 11:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

maybelyn dela cruz


Alamin ang naging buhay nina Maybelyn Dela Cruz at Biboy Ramirez nang iwanan nila ang TV.

Matatatandaan na kabilang sina Maybelyn Dela Cruz, Biboy Ramirez, at James Blanco sa mga hinahangaang artista noong late '90s dahil sa pagiging bahagi nila ng youth-oriented show na Click.

Ngunit sa gitna ng kasikatan, nagdesisyon noon sina Maybelyn at Biboy mag-lie low muna sa showbiz. Si Biboy ay nag-break muna sa TV at nag-focus sa pagteteatro, habang si Maybelyn ay sinubukan ang public service.

Sa guest apperance nila sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes, July 9, sinabi ni Maybelyn, “I entered politics. I entered politics, I finished my nine terms in office in Dagupan, and then I started a family.”

Inamin din niya na na-miss niya ang showbiz ngunit hindi niya ito maituloy noong magpakasal siya noong 2008 at nanirahan na sa Dagupan City.

“As we know, in the business, most of the locations when you do tapings or shootings, almost all the time, Metro Manila ang location. It was hard for me to go back and forth,” sabi niya.

Nitong 2022 ay nagbalik siya sa showbusiness nang gumanap siya bilang main antagonist sa seryeng Unica Hija.

TINGNAN KUNG NASAAN NA NGA BA ANG MIYEMBRO NG 'CLICK' BARKADA SA GALLERY NA ITO:

Tinanong rin ni Boy sina Maybelyn at Biboy kung meron ba silang pagsisisi nang iwan nila ang buhay showbiz.

Ayon kay Biboy, hindi siya naniniwala sa regrets, “Kasi, it's either you win or you learn. Ang iksi ng buhay natin e, it's either maging successful ka or natuto ka, walang failure. Para sa'kin, walang failure, walang talo."

Para naman kay Maybelyn, wala siya umanong regrets dahil sa pagiging “curious person” niya.

“I try to do as many things as I can, so I entered politics, I did my best there, I'm with the Red Cross, I 'm with an NGO where I can help others too,” sabi niya.

Pagpapatuloy ng aktres, “And now, I'm back here again, so parang sa akin, wala talaga. I do everything talaga. Basta may movement, and always be grateful.”