
Bago ang pinakamatinding barkadagulan, nakipag kulitan muna ang Mga Batang Riles stars sa fun noontime program na It's Showtime!
Masayang bumalik sa studio sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, at Antonio Vinzon para sa segment na "Kid Sona."
Pero bago pa ang exciting game, masayang bumati muna ang boys sa lahat.
"Madlang people, mga Kapuso, at mga Kariles, maraming maraming salamat sa pagmamahal at umaarangkadang suporta mula sa umpisa. Kaya't samahan n'yo po kami sa pinakamatinding barkadagulan ng Mga Batang Riles. Ang finale, bukas na!" sabi ni Miguel.
Exciting ang labanan dahil game na game sa bawat round ang Kapuso stars. Lalo na raw si Kokoy na tila lumabas ang kanyang pagiging competitive.
"Gusto niya manalo," sabi ni Kim Chiu habang gigil pinipindot ni Kokoy ang kanilang buzzer.
Sa huling round, natuwa ang lahat nang nagtulungan ang Mga Batang Riles stars sumagot sa final questions. Marami rin ang natawa sa mga hula nilang singers kagaya ng Minions sa kantang "Stop" ng Spice Girls.
Sa kabila ng lahat, nanalo pa rin ng 20,000 ang Kapuso stars na masayang ipinamigay sa madlang people.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Panoorin din ang huling linggo ng Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood rin ito tuwing 10:30pm sa GTV.