
Ilang oras na lang at gaganapin na ang pinakaaabangang 'Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon.'
Ito ay pangungunahan nina Alden Richards, Barbie Forteza, Ruru Madrid, Kyline Alcantara, at Dasuri Choi.
Kasama rin dito sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Christian Bautista, Thea Astley, Sanya Lopez, Derrick Monasterio, Garrett Bolden, at Jessica Villarubin.
Makikisaya rin sa big celebration na ito ang ilan sa cast ng upcoming GMA series na Luv is: Caught in His Arms.
Kabilang na rito sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Michael Sager, Tanya Ramos, Sean Lucas, Cheska Fausto, at Vince Maristela.
Ang netizens, tila hindi na makapaghintay na makita ang kanilang favorite Kapuso artists.
Bukod sa mga nabanggit, inaabangan din ng mga Kapuso ang ilang kilalang Korean K-Pop idols, tulad na lamang ng ENHYPEN, NCT 127, NCT DREAM, ITZY, TOMORROW X TOGETHER, CRAVITY, aespa, TEMPEST, NewJeans, at marami pang iba.
Nakatakdang ganapin ang naturang event ngayong Sabado, December 31, 2022 sa oras na 10:30 p.m.
Matutunghayan ang Kapuso countdown sa GMA-7 at sa official YouTube channel ng GMA Network.
Samantala, panoorin ang naging pahayag ni Alden tungkol sa 'Kapuso to 2023 Gayo Daejeon' sa report na ito:
IN PHOTOS: DREAM PROJECTS WE WISH TO SEE IN 2023