GMA Logo Ryan Eigenmann
What's on TV

Mga larawan ni Ryan Eigenmann sa kabaong, umani ng iba't ibang reaksyon sa netizens

By Dianne Mariano
Published March 16, 2022 7:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Ryan Eigenmann


Agaw-pansin ang mga larawan ni 'Widows' Web' actor Ryan Eigenmann na nasa loob ng kabaong at pinag-usapan ito online.

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang mga larawan ni Ryan Eigenmann sa GMA Telebabad series na Widows' Web.

Ang aktor ay mayroong special guest role sa kauna-unahang suspenserye ng GMA bilang Alexander Sagrado III o AS3, ang murder victim.

Makikita sa official Facebook page ng GMA Drama ang larawan ng aktor na nakahiga sa kabaong habang nakabukas ang kanyang mata at naka-peace sign. Mayroon ding litrato si Ryan na parehong nakasara ang kanyang mga mata habang nasa kabaong.

Nakakuha ito ng mga nakatutuwang reaksyon mula sa netizens at marami sa kanila ang nais malaman kung sino ang tunay na pumatay sa karakter ni Ryan.

Bukod dito, mayroon ding ilan sa kanila ang may iba't ibang hula tungkol sa pumatay kay Xander.

Samantala, nakatanggap din ang programa ng papuri mula sa netizens. Matatandaan din na nakakuha ng mataas na ratings ang Widows' Web kamakailan.

Patuloy na subaybayan ang mas umiinit pa na mga tagpo sa Widows' Web tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.

Samantala, kilalanin ang iba pang celebrities na pumayag na mailagay sa kabaong sa gallery na ito.