GMA Logo family feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Mga pari at madre, may masayang tapatan sa 'Family Feud! Sino kaya ang tatanggap ng blessing?

By Maine Aquino
Published April 27, 2026 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Rockets start strong, don't let up to beat Lakers, stay alive in series
2 dead in shooting, road crash in Tagum and Davao City
Kim Perez soothes the soul with new single ''Wag Kang Mangamba'

Article Inside Page


Showbiz News

family feud


Kilalanin ang Team Canossa at Team Padreko na maghaharap sa 'Family Feud!'

Maghanda nang tumawa at ma-inspire ngayong Lunes sa Family Feud!

Sa "Summer Tawa, Summer Saya" episode ng Family Feud ngayong April 27, isang hindi malilimutang tapatan ang magaganap. Maghaharap ang devoted nuns at dedicated priests sa isang friendly battle.

Sa Team Canossa, maglalaro ang Canossian Daughters of Charity, Servants of the Poor. Ang grupong ito ay itinatag pa noong 1808 by St. Magdalene of Canossa in Verona, Italy. Kilala sila sa kanilang serbisyo sa education, medical outreach, and spiritual formation.

Ang team captain nila ay si Sr. Elizabeth C. Asuncion na isang registered nurse na mula sa Mariveles, Bataan. Kasama niya sina Sr. Magnolia Nuncio, ang treasurer ng kanilang paaralan sa San Pablo City at naging SK Chairman siya sa Nueva Ecija bago siya nagmadre; si Sr. Charito Balancin na graduate ng BS Psychology mula sa Mulanay, Quezon; at si Sr. Maricriz Manila na avid nature photographer na naka-base sa Laguna.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Sa Team Padreko naman ang mga paring madalas nilang katuwang sa mga charitable projects.

Tatayong team captain si Fr. Rocky C. Libang, ang parish priest ng St. Josephine Bakhita sa Orani, Bataan. Sasamahan siya ng isang licensed physical therapist at executive director ng Bakhita Canossa and Canossa Children's Foundations na si Fr. Allan Ferdinand Dizon; ang assistant parish priest mula sa Antipolo City na tubong-Cebu na si Fr. Brian Bahian; at ang local superior at director of formation para sa isang seminaryo sa Maynila na si Fr. Ralph Jayson Santos

Abangan ang true celebration of faith, friendship, and the spirit of service sa fresh episode ng Family Feud ngayong April 27, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.