
Masaya ang beteranong aktor na si Michael De Mesa na muling nakatrabaho si Eula Valdes sa inspiring afternoon series na Forever Young.
Sa naturang bagong family drama, gumaganap si Michael De Mesa bilang Eduardo Malaque, lolo ni Rambo (Euwenn Mikaell) at ang dating mayor ng bayan ng Corazon, habang kinaiinisan naman si Eula Valdes bilang Esmeralda Vergara, ang mahigpit na kalaban ni Eduardo sa politika.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ipinarating ni Michael De Mesa kung bakit isa si Eula Valdes sa mga paborito niyang aktor.
"Eula is one of my favorite actors. I really love working with her. I'd like to think na she's my muse kasi kapag nagdi-direct ako and kapag mayroon akong nakikitang role, siya agad ang naiisip ko kasi it's so easy to work with her," sabi ni Michael.
Pagpapatuloy niya, "She's such a giving actor na hindi ko kailangang magtrabaho nang doble kasi as an actor she really gives her all and she shows her responsibility. Kumbaga she gives more than what is asked of her. Kaya I'm really happy na nakasama ko si Eula ulit."
Bukod kay Eula, nakakatrabaho rin ni Michael ang award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell sa Forever Young.
Kasama rin niya sa serye ang iba pang mahuhusay na aktor na sina Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Matt Lozano, at Dang Cruz, maging ang young stars na sina Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.
Tampok sa Forever Young ang pambihirang kuwento ni Rambo Agapito, isang 25-year-old na may rare medical condition na tinatawag na panhypopituitarism, na nakaapekto sa kanyang paglaki.
Subaybayan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: