GMA Logo Vance Larena at Crystal Paras
What's Hot

Michael Flores, hanga sa pag-arte ng rising stars na sina Crystal Paras at Vance Larena

By Dianara Alegre
Published October 16, 2020 12:34 PM PHT
Updated October 16, 2020 12:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Vance Larena at Crystal Paras


Ayon kay Michael Flores, dapat abangan sina Crystal Paras at Vance Larena sa bagong episode ng 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado.

Tampok sina Rita Avila at Michael Flores sa bagong episode ng Wish Ko Lang.

Gaganap silang mag-asawa rito at gaganap naman bilang mga anak nila ang rising stars na sina Vance Larena at Crystal Paras. May special participation din sa episode ang aktor na si Mon Confiado.

Nang makapanayam ng 24 Oras, inilarawan ni Rita ang kanyang karakter na napagkamalang aswang dahil sa hitsura nito.

Rita Avila

“Ako 'yung nanay na parang nabaliw dahil inaapi ni Michael, siya 'yung husband. Tapos lumayas kami, ni-save ako ng anak ko dahil hindi na niya kinakaya na lagi akong binubugbog nu'ng asawa ko.

“Tumanda akong kinatatakutan sa paligid kasi mukha akong aswang,” aniya.

Samantala, gruesome umano kung ilarawan nina Rita at Michael ang kahihinatnan ng istorya ngunit hindi lang ito ang kaabang-abang sa episode.

Ani Michael, matutunghayan din umano rito ang galing sa pag-arte nina Vance at Crystal.

“Abangan nila 'yung death scene na 'yun and abangan nila 'yung performance nitong mga batang 'to sa death scene na 'yon. Grabe ang galing,” aniya.

Unang beses nakasama ni Vance sina Rita, Michael at Mon at humanga rin siya sa husay ng mga ito.

“'Yung mga artistang kasama ko, sina Sir Michael Flores, Sir Mod Confiado, si Ms. Rita Avila, welcoming po sila.

“Kumbaga generous silang artista at naggagabay din po sa mga baguhang artista kagaya ko po at du'n po sobrang thankful po ako,” lahad niya.

Mapapanood ang Wish Ko Lang ngayong Sabado, ganap na 4:00 ng hapon sa GMA.