GMA Logo Kris Aquino and Michael Leyva
Source: michaelleyva_ (IG)
What's Hot

Michael Leyva, ipinagpasalamat ang media comeback ng kaibigang si Kris Aquino

By Mark Joseph F. Carreon
Published August 9, 2026 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alas Pilipinas Girls sweep Tunisia to bolster hopes in FIVB U17 World Championship
Tornado displaces families; knocks down trees, posts in Iloilo
'The Girls: A Khloé Kardashian Project' premieres August 21st exclusively on Dinsey+

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Aquino and Michael Leyva


Ikinatuwa ng matalik na kaibigan ni Kris Aquino na si Michael Leyva ang kanyang kamakailang pagpapakita sa media.

Ibinahagi ng sikat na Filipino fashion designer na si Michael Leyva ang isang mensahe sa pamamagitan ng isang Instagram post, kalakip ng mga behind-the-scenes photos kasama ang “Queen of All Media” at matalik na kaibigan niyang si Kris Aquino.

Kamakailan, muling nagbabalik sa spotlight si Kris sa inilabas na promotional video ng streaming platform na Netflix Philippines kung saan tampok at bida ang sikat na actress-host.

Inanunsyo ng naturang streaming platform ang muling pagbabalik sa media ni Kris Aquino para sa isang three-episode campaign bilang Chief Head of Insights and Content Analysis (C.H.I.K.A.).

Isang malaking kagalakan para sa mundo ng showbiz at mga netizen ang kanyang muling pagpapakita sa larangan ng media, sa kabila ng patuloy niyang pakikipaglaban sa siyam na autoimmune conditions.

Hindi naman maitago ng kilalang fashion designer ang kanyang labis na kagalakan sa muling pagtatagpo nila ni Kris. Para sa kanya, ang sandaling ito ay sagot sa matagal na niyang ipinapanalangin.

Inihayag din ng designer ang kanyang patuloy na pag-asa para sa kalusugan at muling pagbabalik-tambalan nila ng kanyang tinuturing na pamilya.

Nais niyang muling makitang masigla ang actress-host sa larangang lubos nitong minamahal.

“I specifically prayed to God for this day to come,” ani Michael

“I have always hoped for you to stay healthy and to be able to come back to doing what you love the most,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng mga pagsubok at pagbabago sa buhay, nananatiling matatag ang kanilang pagkakaibigan at samahan. Isang taos-pusong pangako ng loyalty at suporta ang kanyang pinarating kay Kris: “People will come and go, but I will always stay by your side, forever.”

Naging emosyonal ang naging pagtatapos ng kanyang mensahe nang makitang muli si Kris na nakasuot ng kanyang likha. Nag-uumapaw ang kanyang pagmamahal at paghanga para sa itinuturing niyang nakatatandang kapatid sa industriya.

“My heart is crying with joy to see the one and only Queen of All Media, Kris Aquino, again in Michael Leyva. I loveyousomuch ate @krisaquino,” sulat ni Michael sa kanyang caption.

A post shared by Michael Leyva (@michaelleyva_)

Ayon sa mga naunang ulat ngayong taon, ipinahayag ni Kris ang kanyang balak na maglunsad ng isang lingguhang video podcast, kung saan makakapanayam niya ang iba't ibang personalidad na pumupukaw sa kanyang interes.

Noong 2025, unang nasilayan ng publiko si Kris matapos ang kanyang matagal na pagpapagamot nang dumalo siya sa People of the Year Awards Night ng PeopleAsia magazine upang magbigay-suporta sa fashion designer na si Michael Leyva.

Related Gallery: A timeline of Kris Aquino's health scares