
Bumibida ngayon sina Kapuso stars Michael Sager at Kobie Brown sa GMA Afternoon Prime series na Born to Shine. Ikinukuwento nito ang buhay ni Jeni (Zephanie) na nangangarap makapasok sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng pagiging parte ng isang P-Pop group.
Pero ang hindi alam ng marami, may koneksyon din sa P-Pop ang dalawang aktor sa tunay na buhay.
Sa report nina Lynn Ching at Shaira Diaz sa “Unang Balita” para sa Unang Hirit, ikinuwento ni Michael sa naganap sa media conference ng Cornerstone Entertainment Inc. nitong Linggo, July 26 na na-scout siya para maging bahagi ng binubuo pa lang noon na P-Pop group na VXON.
Ani Michael, noong makita siya ng mga lead ng talent agency, nakita nilang mas bagay raw si Michael bilang isang solo artist.
Kung si Michael ay na-scout, si Kobie naman ay nag-audition noon para maging parte ng isang P-Pop group. Pero pag-amin ng aktor, na-realize din niyang pag-arte ang kanyang passion.
KILALANIN ANG P-POP GROUPS NA NAMAMAYAGPAG NGAYONG 2026 SA GALLERY NA ITO:
Samantala, sinorpresa rin ni Kobie ang ka-love team na si Olive May sa fan meet ng aktres kamakailan, kung saan nagpakilig sila ng fans na dumalo sa event.
Sa report ni Aubrey Carampel para sa Balitanghali nitong Martes, July 28, sinabi umano ni Olive na “well-appreciated” ang pagpunta ni Kobie at ang effort ng fans para makapag-bonding sila kahit sa maiksing oras lang.
Ipinahayag din ng singer-actress kung gaano siya ka-grateful sa magandang feedback na natatanggap para sa karakter niyang si Megan sa serye. Ayon kay Olive, hindi naman basta kontrabida lang ang role na ginagampanan niya.
“I am happy na they do understand my character kasi I can say na Megan is a really beautiful character with flaws. She's trying naman her best to really achieve her dream,” sabi ni Olive.
Si Kobie, mas na-appreciate ang kanilang nagagawa para makapagpasaya ng mga manonood.
“I felt so grateful na I get to do this job, and I get to make people happy. You know, people don't really get this opportunity, and you just need to make the most out of it. You always have to give back to the people who support you,” sabi ni Kobie.