
Walang kaduda-duda na mabenta online ang pinakabagong music video ng multi-awarded comedian at content creator na si Michael V.!
Matapos kasi ang 23 years, may bagong kanta ang isa sa beloved Bubble Gang character na si DJ Boom Buy na pinasikat ni Direk Michael.
Nitong May 17, napanood sa episode ng pambansang comedy show ang bagong music video ni DJ Boom Buy na pumasok na sa live selling.
Ang naturang MV, nag-viral at naging usap-usapan online at nakakuha na ng mahigit 38 million views across all social media platform.
Bakit nga ba pinagkakaguluhan ng mga Batang Bubble ang mga binibentang produkto ni DJ Boom Buy?
Alamin sa patok niyang music video below!
At para hindi mahuli sa latest update at exclusive content tungkol sa Bubble Gang, please visit GMANetwork.com or follow all of the official social media pages ng Kapuso gag show.
RELATED GALLERY: Michael V.'s best characters on 'Bubble Gang'