GMA Logo Migo Adecer
What's Hot

Migo Adecer, ibinahagi ang naging taping experience sa gitna ng pandemic

By Maine Aquino
Published December 16, 2020 12:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gabbi Garcia, Khalil Ramos to star in Ben&Ben’s ‘Duyan’ MV
P44M alleged smuggled cigarettes seized off Davao de Oro
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News

Migo Adecer


Balik trabaho na ang Kapuso hunk na si Migo Adecer at ramdam nito ang kaibahan ng pagtatrabaho sa "new normal."

"Actually, mas better para sa akin ngayon," ito ang naging pahayag ni Migo Adecer nang tanungin siya ng kanyang taping experience under the new normal.

Dahil sa panganib na hatid ng COVID-19 ay nag-iba ang naging setup ng mga tapings ng iba't-ibang mga programa. Kuwento ni Migo sa Hangout, ramdam niya na nasa safe environment naman siya kahit nagtatrabaho sa ilang mga programa ng GMA Network.

Photo source: @migo.adecer
Nagti-taping na si Migo para sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday. Balik studio taping na rin si Migo sa All-Out Sundays.

Kuwento ni Migo, "Lahat ng tao nagrerespeto sa personal space. Alam nila 'yung dangers and 'yung concerns about the virus that will spread around. Lahat ng mga items sa set ay sanitized."

Isa pang inamin ni Migo na mas naging madali ang pagtatrabaho ngayon sa taping.

"Napakadali, as in sobrang efficient. Sabi nila dati hindi posible na matatapos tayo ng early, pero noong nagkaroon ng pandemic, nag-early lahat ng trabaho natin. Mas efficient ngayon."

Sa nangyaring lockdown ay nanatili si Migo noon sa Hong Kong. Dito ay nagkaroon ng realizations ang aktor tungkol sa pagtatrabaho.

Tulad ng iba, nagamit umano ni Migo ang quarantine period para magpahinga at mag-reflect.

Saad ng Kapuso actor, "I was so burned out from work. Not saying that I am not glad for work, not saying that I don't enjoy work. It's just that I realized that I was working so much that I was forgetting about myself."

Nilinaw ng aktor na ang ipinagpapasalamat niya ay ang oras na naibigay para pagtuunan muna ng pansin ang kanyang sarili.

"By the time the pandemic came by, I found myself saying thank God. Hindi ibig sabihin na thank God nandoon 'yung pandemic, may virus doon na is killing people, no, no, no. Of course not. Thank God in a sense na this pandemic allowed me to take some time to myself. And that time specifically mga eight months, I was just able to relax and totally de-stress.

Aminado si Migo na sakaling mawala siya sa loob ng ilang buwan ay madali itong makakaapekto sa kanyang showbiz career.

"I don't think it's the kind of time that an artist like me or an artist any network could have because seven months is already a long time for you to be away from the screen. It's very easy for someone to take your spot so this allowed me to, just kind of, breathe in and remember who I was."

Sa pagkakataong nakuha niya para magpahinga, nakabalik umano siya na may mas magandang outlook pagdating sa trabaho.

"Remember what it felt like to rest and to not have responsibility. I feel like I came out a more whole person after this pandemic."

RELATED CONTENT:

Migo Adecer, sumabak na sa lock-in taping ng 'Anak ni Waray vs Anak ni Biday'

Migo Adecer looking forward to seeing friends in the Philippines