GMA Logo Miguel Tanfelix in Planet XP
PHOTO SOURCE: Planet XP
What's on TV

Miguel Tanfelix, may ibabahaging hidden gem sa Tarlac sa 'Planet XP'

By Maine Aquino
Published May 21, 2026 2:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sara Duterte eyes livelihood aid for Zamboanga del Sur women's group
Frozen saging na may iba't ibang flavors, patok na negosyong ngayong tag-init! | Pera Paraan
Alexie Brooks looks back on reign as Miss Eco International

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix in Planet XP


Abangan ang panibagong misyon ni Miguel Tanfelix sa San Jose, Tarlac sa 'Planet XP' ngayong May 23.

May bagong adventure si Miguel Tanfelix sa Planet XP kung saan ibabahagi niya ang isang hidden gem ng San Jose, Tarlac.

Sa episode ngayong May 23, makakasama ni Miguel ang grupo ng mga local mountaineers sa isang Mt. Ngile adventure. Ituturo sa kaniya ng Tarlac Mountaineering Club ang iba't ibang kaalaman tungkol sa mga bundok at mountain climbing activities na matatagpuan sa kanilang probinsya.

Tampok sa episode ang iba't ibang misyon ni Miguel tulad ng pagmomotorsiklo, pag-akyat ng bundok, at isang relaxing bonfire picnic sa tabi ng ilog.

Sa segment na “Huwaw,” mapapanood ang ilan sa mga tourist destinations sa Tarlac, kabilang ang Monasterio de Tarlac. Tampok dito ang komunidad ng mga pari na nagsusulong ng reforestation sa pamamagitan ng farming activities. Ipapakita rin ang 200-foot-tall Anzap Twin Falls na pinakamataas sa rehiyon.



Samantala, sa segment na “Xplore the Animal Kingdom,” muling mapapanood ang cute at curious na animated character na si Tammy Tamaraw. Sa episode ngayong Sabado, ipakikilala niya ang kalabaw o “Beast of Burden” na maituturing na best buddy ng mga magsasaka.

Hatid ng GMA Network ang Planet XP, katuwang ang National Council for Children's Television (NCCT), bilang grantee ng 2024 National Endowment Fund for Children's Television (NEFCTV).

Samantala, nakatanggap din ng exemption ang Planet XP mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa educational aspect ng programa na naghihikayat sa exploration at pangangalaga sa kalikasan. Ginawa ang Planet XP bilang child-friendly na content o programang angkop para sa mga bata.

Balikan ang Floridablanca, Pampanga adventure ni Miguel Tanfelix sa Planet XP dito: