
Isang pambihirang pagkakataon ang natanggap ni Kapuso actor Miguel Tanfelix sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Bukod sa pagiging isa sa lead stars ng serye, nabigyan din siya ng chance na magdirek ng isang eksena nito.
Co-director si Miguel ng eksena kung saan magkasamang nakasakay sa motor ang karakter niyang si Galo at karakter ni Lexi Gonzales na si Emma matapos nilang magkasundo na maging couple.
Bahagi ito ng episode 22 ng serye at umere noong June 23.
Ayon kay Miguel, ideya raw ito ni Taskforce Firewall director Rico Gutierrez.
"Biglaan 'yun. Pinatawag lang ako ni direk sa set. Sabi niya kukunan na natin 'yung scene mo with Emma na naka-motor. Sabi ni direk, I want you to co-direct it. Pinag-direct ako ni direk sa eksena," kuwento ng aktor.
Hamon daw ito ni direk Rico sa kanya dahil alam nitong interesado si Miguel sa filmmaking.
"Wala siya doon, parang kami lang so medyo nakakakaba kasi baka (kung anong) sabihin 'di ba? Baka hindi pumasa kay direk, sa taste niya, 'yung gagawin namin. Pero sabi niya, it's an exercise bilang nag-take ka ng film (classes). Kailangan mo rin ma-experience 'to if gusto mo maging director someday," paggunita niya.
Humugot daw ng inspirasyon si Miguel sa isa sa mga paborito niyang Hollywood films.
"Napanood niyo 'yung Top Gun, 1986? May eksena doon na nagmo-motor siya. Pinakita ko kay Lexi. Sabi ko parang ganito 'yung magandang gawin natin. Medyo kapos kami sa oras. Buti na lang maganda 'yung kinalabasan," lahad niya.
Panoorin ang eksenang co-directed ni Miguel Tanfelix dito:
Patuloy na panoorin Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.
May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.