
Umani ng papuri ang aktor na si Miguel Tanfelix sa emosyonal niyang pagganap bilang si Kidlat sa drama-action series ng GMA Prime na Mga Batang Riles.
Sa episode kagabi, January 7, emosyonal si Kidlat dahil sa pagkamatay ng kanyang amang si Caloy (Cris Villanueva). Bukod rito, emosyonal rin si Kidlat na nakiusap sa kanyang inang si Maying (Diana Zubiri) na umuwi na sila sa Palawan para umayos na ang kanilang buhay.
Dahil sa nakakaantig na mga eksenang ito, maraming tao ang humanga sa husay at galing ni Miguel sa pag-arte. Komento ng ilan, pati sila ay nadala sa emosyon na nararamdaman ni Kidlat.
Grabe yung episode ng #MgaBatangRiles ngayon, no? Miguel's acting prowess could really eat you alive. He's truly giving his all sa mga projects niya--no room for half-baked emotions.
-- •brown coffee ♡ (@browncoffeee3) January 7, 2025
Grabe ka, Kidlat! @MiguelTanfelix_
Kidlat #MBRNasirangHaligi
GALING ! MIGUEL TANFELIX & DIANA ZUBIRI 👏👏👏👏👏👏👏
-- vroombom (@mtfvroooom) January 7, 2025
Kidlat#MBRNasirangHaligi https://t.co/ThOjYeuM6G
Grabe ka talaga magpaiyak Kidlat #MBRNasirangHaligi | Kidlat
-- selenophile (@love_mxxn) January 7, 2025
grabe talaga si miguel he's always making me melt in every character na prinoprotray nya. like he dazzle as kidlat talaga 😭🫶 @MiguelTanfelix_ #MBRNasirangHaligi
-- Luceeh (@lucymariestyles) January 7, 2025
Grabe si Miguel napaka versatile action to dramatic actor #MBRNasirangHaligi
-- Kookie 🍪 (@JK_97NOCHU) January 7, 2025
Ano kaya ang mangyayari ngayong nagsimula na ang gulo sa Sitio Liwanag?
Tuloy-tuloy na sumama sa laban ng Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood rin ito tuwing 9:40 p.m. sa GTV.