What's on TV

Miguel Tanfelix, proud sa kanyang 'reinvention'

By Marah Ruiz
Published June 15, 2026 7:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Express: June 15, 2026 [HD]
Search continues for missing hiker in Mt. Kalatungan
MrBeast hits 500M subscribers on YouTube

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix


Proud si Miguel Tanfelix sa naging "reinvention" niya para sa 'Taskforce Firewall.'

Maraming natatanggap na papuri si Kapuso actor Miguel Tanfelix sa bagong tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Bukod sa husay niya sa pag-arte at action scenes, mainit din ang naging pagtanggap ng mga manonood sa mas mature niyang look.

Ayon kay Miguel, sinikap daw talaga niyang magkaroon ng transformation para gampanan ang karakter niya sa serye.

Gumaganap siya dito bilang Galo, retiradong sundalo na bahagi na ngayon ng cybercrime division ng kapulisan.

Source: migueltanfelix_ (IG)

"Itong si Galo, iba 'to sa mga characters na ginawa ko. May conscious effort talaga sa kung paano pag-atake ng mga eksena. Physically, may mga pagbabago rin so I would say, yes, kailangan din ng reinvention," lahad ni Miguel.

Sulit naman ang kanyang pagod dahil maganda ang feedback ng mga manonood at mataas din ang rating ng Taskforce Firewall.

"Masaya 'ko na maraming nakaka-appreciate ng pinaghihirapan namin sa set. Ganoon talaga eh. Feeling ko nagta-translate talaga sa screen kapag masaya ka sa ginagawa mo," bahagi ng aktor.

Patuloy na tumutok sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Samantala, panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.