GMA Logo Planet XP
PHOTO SOURCE: Planet XP
What's on TV

Miguel Tanfelix, sasabak sa windsurfing challenge sa 'Planet XP'

By Maine Aquino
Published May 28, 2026 2:12 PM PHT
Updated July 24, 2026 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Temporary solution sought to allow traffic after Davao City road collapse
Filipino-made air quality monitor offers durability, cost-effectiveness - UP
Heart Evangelista's Paris Fashion Week videos rack up 100M views

Article Inside Page


Showbiz News

Planet XP


Tara, G! Samahan si Miguel Tanfelix sa windsurfing adventure sa 'Planet XP' ngayong July 25.

Bright at sunny ang magiging adventure sa Planet XP ngayong July 25!

Sa ikalimang episode ng Planet XP, mas maraming exciting na discoveries si Miguel Tanfelix habang ini-explore niya ang Mabini, Batangas.

May tatlong missions siyang haharapin ngayong linggo. Ito ay ang makipaglaro sa mga atleta, maghanap ng ginto, at subukan ang windsurfing!

PHOTO SOURCE: Planet XP

Sa unang misyon ni Miguel, makakasama niya si Dhenver John Castillo, isang windsurfing athlete. Sa pangalawang mission naman, sasama sa kaniya sina Andrei Tugade, Renz Angelo Amboy, at Alfionnah Gonzalez na mga medalist at proud athletes. At para sa ikatlo, tutulungan siya ni Coach German Paz.

Abangan din ang “Huwaw” segment kung saan ipapakita ang ganda ng Verde Island Passage na isang hidden paradise. Sa “Pabaon” segment naman, matitikman ang sinaing na dalagang bukid, isang simple pero masarap na pagkaing Batangueño.

At siyempre, magbabalik din ngayong Sabado si Tammy Tamaraw para magbahagi ng fun facts tungkol sa isang soft-bodied marine animal para sa lahat ng xplorers!

Hatid ng GMA Network ang Planet XP, katuwang ang National Council for Children's Television (NCCT), bilang grantee ng 2024 National Endowment Fund for Children's Television (NEFCTV).

Balikan ang San Jose, Tarlac adventure ni Miguel Tanfelix sa Planet XP: