
Success ang prank ni Mika Salamanca sa kapwa Sparkle actor na si Will Ashley nang sorpresahin ito ng 24-hour trip sa Vietnam.
Sa pagsisimula ng vlog ni Mika, kitang-kita ang kaba ni Will dahil ang buong akala niya ay haunted house ang pupuntahan nila ng aktres. Pinagdala rin siya ni Mika ng passport bilang valid ID sa pupuntahan nilang atraksyon.
Habang bumabyahe ay pilit na isinikreto ni Mika kay Will ang sorpresang trip sa Vietnam. Hanggang sa magduda na ang aktor nang mapansing papunta sila sa airport. Dito na ipinagtapat ni Mika kay Will na "it's a prank," at ni-reveal ang 24-hour trip nila sa Ho Chi Minh, Vietnam.
Kahit na nabigla ay hindi ito inatrasan ni Will at sinabing "gustong-gustong ko 'yan."
Sinimulan nina Mika at Will ang kanilang trip sa Vietnam sa pag-aalmusal ng Vietnamese food na pho.
Pinuntahan at nilibot din ng dalawa ang popular na The Cafe Apartment, kung saan sila uminom ng coffee at iba pang drinks.
Hindi rin pinalampas nina Mika at Will na makapag-shopping at makapunta sa night market.
Pero tila hindi lang 24-hour ang kanilang magiging trip sa Vietnam dahil si Will nag-suggest na mag-extend.
Panoorin ang surprise Vietnam trip ni Mika Salamanca kay Will Ashley sa video na ito:
Related Gallery: Will Ashley and Mika Salamanca serve major kilig in adorable new
parallel photos