
Tila maraming nami-miss si Mike Tan sa latest serye na pinagbidahan niya- ang intense drama series na House of Lies.
Nakilala sa serye si Mike bilang si Paolo, ang asawa ni Marj na karakter naman ni Beauty Gonzalez.
Sa isa sa mga video ng Kapuso actor sa TikTok, ipinasilip niya sa kanyang followers at fans kung ano ang mga nami-miss niyang eksena at mga kaganapan sa House of Lies.
Related Gallery: On the set of 'House of Lies'
Kabilang sa mga ito ang maraming beses na pagtatalo nila ni Marj (Beauty Gonzalez) dahil sa secret affair ng una at ni Thea, ang role ni Kris Bernal.
Nasa video rin ang bugbugan scene nila ng kapatid niyang si Edward (Martin Del Rosario), na asawa mismo ng ka-secret affair niya na si Thea (Kris Bernal).
Inalala rin niya ang mga eksena kung saan kasama niya ang mga gumanap na mga magulang niya sa serye na sina Regina (Jackie Lou Blanco) at Greg (Lito Pimentel).
@aymiketan Here's my answer: #HouseOfLies #fyp #trending #fyppppppppppppppppppppppp #foryou ♬ original sound - Mike Tan
Bukod sa naturang video, mapapanood din sa TikTok account ni Mike ang makulit na bonding nila ni Martin, tampok ang “Poses for duos.”
Naganap ang pasabog na finale ng House of Lies nito lamang May 22, 2026.