
Dahil magtatapos na ang fantasy romance series na The Lost Recipe, nagbahagi si Mikee Quintos ng isa sa mga sandaling hindi niya malilimutan kasama ang kaniyang ka-love team na si Kelvin Miranda.
Nagkasama sina Mikee at Kelvin, ang lead actors ng serye, sa lock in taping ng programa ng ilang buwan.
Dahil sa tagal nilang magkasama, mas nakilala at naging malapit sila sa isa't isa.
Inamin ni Mikee sa miyembro ng press, sa ginanap na media interview para sa finale ng The Lost Recipe, na malakas makiramdam si Kelvin.
Kuwento ni Mikee, "'Di ko makakalimutan 'yung lakas ng pakikiramdam niya."
Photo source: The Lost Recipe
Ayon sa aktres, may paraan si Kelvin na kumustahin siya o pagaanin ang kaniyang loob.
"Kasi, kahit 'di nakatingin nararamdaman ko 'pag pinapakiramdaman niya ako, e.
"Naa-appreciate ko 'yun kasi kahit kapag pagod na ako or pag down ako sa set, 'di niya ako dinidiretso tinatanong na okay ka lang ganyan."
Dugtong pa ni Mikee, laging nag-iisip si Kelvin ng mga pakulo para sa kaniya.
"Hayaan niya muna, pero alam ko na. Nararamdaman ko na nga na pinapakiramdaman niya ako.
"And he has his way of, I don't know, mag-iisip na 'yan ng pakulo."
Isa sa mga memorable moments nila na tumatak kay Mikee ay nang isinayaw siya ni Kelvin sa gitna ng taping.
Ayon kay Mikee, biglaan lang itong ginawa ni Kelvin para mabawasan ang pagod na nararamdaman niya.
"May mga nagsi-stick sa akin. Ito, 'di ko talaga makakalimutan, noong sa Kartilya noong sinayaw niya ako dahil pagod na nga kami at medyo late na rin noon.
"'Tapos, biglang nag-play yung fountain sa may Bonifacio na shrine doon sa Kartilya.
"Nag-play 'yung music sa fountain. Sinayaw niya ako and naa-appreciate ko 'yun. 'Yung mga ganung maliliit na bagay."
Abangan kung ano ang pagtatapos ng kuwento nina Harvey at Apple sa The Lost Recipe, mamayang 8:50 p.m. sa GTV.
Silipin ang must-visit set locations ng The Lost Recipe sa gallery na ito: