
Pinaghahandaan na ni Mikee Quintos ang pagkuha niya ng architecture licensure exam sa susunod na taon.
Sa 24 Oras report ni Aubrey Carampel, sinabi ng Sparkle star na inuna niya munang magkaroon ng actual experience bago mag-take ng boards.
“I partnered with my best friend 'nung college na lisensiyadong architect na. And I'm actually in it for experience talaga more than anything para before ako mag-boards, mas may experience ako,” kwento ni Mikee.
Dagdag pa ng aktres, “Sure ako kung may experience ako, may mga tanong 'dun na masasagot ko.”
Ayon kay Mikee, plano niyang kumuha ng architecture licensure exam sa susunod na taon.
“Maybe next year, I'll take the boards. Sayang naman 'yung sampung taon kung 'di ko ibo-boards, 'di ba?” anang Kapuso actress.
Noong nakaraang taon ay grumaduate si Mikee sa kanyang kursong Architecture sa University of Santo Tomas pagkatapos ng sampung taon.
Sa isang Instagram post noong January ay pinasalamatan niya ang mga taong tumulong sa kanya sa kanyang college journey.
“These people motivated me through the hard college all-nighters. And though it took longer than expected, a promise is a promise!” sabi ni Mikee sa caption ng post.
Dagdag pa niya, “I'll keep working hard to make the whole fam, and my little self proud!! Love you, guys. Thank you.”
RELATED GALLERY: Celebrity graduates of 2025