
Puno ng pasasalamat ang The Lost Recipe actress na si Mikee Quintos dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang programa.
Simula nang umere ito nitong January 18 ay laging nagti-trend sa social media ang The Lost Recipe dahil sa kapana-panabik nitong istorya.
Kasama ni Mikee sa The Lost Recipe sina Kelvin Miranda at si Paul Salas.
Photo source: @mikee
Ayon kay Mikee, nagpapasalamat siya sa suporta at pagmamahal ng mga sumusubaybay sa kanilang serye.
“Siyempre super excited about it. I have the sweeties, the MQ sweeties and everyone's support and love to thank for that.”
Inamin ni Mikee na masaya siya sa The Lost Recipe dahil hindi niya umano inaasahan na makukuha ang proyektong ito.
“Ano'ng pakiramdam? I feel loved and it feels great 'cause I didn't really expect the show to happen. We started at the end of 2020. Nakakatuwa, it feels like it's meant to be! So I'm happy. Thank you so much sa support ng lahat.”
Ibinahagi rin ng aktres na ikinagulat niya na ang The Lost Recipe ay ang highest-rating show sa GMA News TV.
Kuwento ni Mikee, kinausap niya pati ang kanilang mga cameraman sa programa para masigurong totoo ang balitang ito.
“Grabe 'yun. Hindi pa siya nagsi-sink sa akin. Totoo. As in, kagabi lang bago mag-take ng mga eksena, tinatanong ko 'yung mga cameraman na big deal 'yun no? Big deal? Totoo ba 'yun? Totoo ba na nag-rate tayo? Totoo 'yun? Ang hirap makapaniwala.
Aminado si Mikee na dahil sa balitang ito ay nakakaramdam siya ng pressure na gampanan ang kanyang role bilang si Apple Valencia.
“Napi-pressure ako!
“Napi-pressure ako sa ganon so ayoko siya masyadong pinag-iisipan.”
Ayon pa sa aktres, hindi naman umano magiging posible na mag-rate ang kanilang programa kung hindi dahil sa pakikipagtulungan ng bawat miyembro ng kanilang programa.
“It's because of the director rin, and the whole team, the whole production. We're all working on it together.”
Saad ni Mikee, sulit ang kanilang mga pagod at puyat sa kanilang lock-in taping dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa The Lost Recipe.
“Nakakatuwa na 'yung pagod, 'yung puyat, 'yung hirap ng trabaho ay sobrang worth it kasi naa-appreciate ng mga viewers.”
'The Lost Recipe' star Mikee Quintos, inaming may epekto ang pandemya sa kanyang pag-arte
Pilot episode ng 'The Lost Recipe,' trending sa social media