GMA Logo Rabiya Mateo
What's on TV

Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, aariba sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published September 16, 2021 9:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo


Handa na ba kayo para kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo? Abangan ang kanyang pakikipag-kulitan kasama sina Boobay at Tekla ngayong Linggo.

Masisilayan ang kakaibang side ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa fresh episode ng TBATS ngayong Linggo (September 19).

Sa interview segment na “May Pa-Presscon,” sasagutin ng Illongga beauty queen ang limang nakakaintriga at pinakamahirap na mga tanong.

Kung maibababalik niya ang oras, mas gugustuhin ba ni Rabiya na magkaroon ng korona o ang kanyang buhay pag-ibig? Iilan lamang 'yan sa dapat abangan sa bagong episode na ito.

Ibabahagi rin ng Pinay beauty queen ang mga nakatutuwang istorya tungkol sa kanyang pamilya, beauty pageants, at karanasan sa pakikipag-date sa “Guilt or Not Guilty.”

Sa improv segment naman na “Ang Arte Mo,” mabibigyan si Rabiya ng nakakatawang acting workshop sa tulong nina Boobay, Tekla, at Mema Squad na binubuo nina Pepita Curtis, Ian Red, Kitkat, at Brenda Mage.

At siyempre bago matapos ang gabi, ipapamalas rin ng Illongga beauty ang kanyang talento sa pagsayaw sa “Galaw Galaw” na tiyak na magbibigay saya sa Sunday night n'yo.

Exciting 'di ba? Kaya huwag palampasin ang kaabang-abang na new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo sa GMA Network pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, muling balikan ng Miss Universe 2020 journey ni Rabiya Mateo sa gallery na ito: