
Mas lalong lumalapit si Miss World Philippines Asia Rose Simpson sa korona ngayong nagwagi siya sa Miss World head-to-head challenge.
Ipinaalam ng Miss World Organization sa pamamagitan ng Reel sa kanilang Instagram account na si Asia ang Asia and Oceania winner ng Miss World head-to-head challenge.
Ilang level ng challenge ang pinagdaanan ni Asia, mula sa pagkuwento tungkol sa kaniyang SED (Sports and Dance Initiative) advocacy at pagsagot sa tanong kung paano mapagsasabay ng kabataan ng Asia at Oceania ang pag-unlad at pagpapahalaga sa kanilang kultura.
“Our cultural heritage is one of the main frameworks that make us who we are. The traditions that we hold, the food that we eat, or the people we're around, is what makes home feel like home,” sagot niya. “In a fast-paced, modernized, digital world, things like 'kapwa' or the bayanihan spirit, will not be lost. In fact, they will be the things that ground us fully, because that is what roots are for. And every generation learns from the last and the next.”
Bahagi rin ng challenge kung ano ang sasabihin ni Asia bilang Vietnam tourism ambassador, gamit ang mga experience niya sa bansa so far. Dahil sa kaniyang panalo, garantisado na ang posisyon ni Asia sa Miss World top 40.
Gaganapin ang Miss World 2026 coronation night sa susunod na buwan sa September 5.
Related gallery: Check out Miss World Philippines Asia Rose Simpson's week in fashion
Ang panalo ni Asia bilang head-to-head challenge winner para sa Asia and Oceania ay nangyari pagkatapos humingi ang Miss World Philippines ng mga boto para kay Asia sa first round ng Miss World People's Choice Award. Maliban sa paglagay ng link kung saan puwede bumoto, kasama rin sa caption ng post ang paalala na kapag nanalo si Asia sa botohan ay meron na siyang “direct entry into the TOP 40 finalists.”
Maliban sa pagiging Asia and Oceania head-to-head challenge winner, umabot rin si Asia sa top 24 ng Miss World Sports Fast Track challenge at sa top 60 ng Miss World Top Model competition.
Nangyari ang mga challenges pagkatapos ng sashing ceremony kung saan nagsuot ng puting modern Filipiniana na gawa ng designer na si Paul Cabahug si Asia. Sa post ng Miss World Philippines, inilarawan ng organization ang sashing bilang isang “defining moment. A proud declaration. A legacy in the making.”