
Patuloy na gumagawa ng pangalan sa music industry ang Kapuso performer na si Mitzi Josh.
Noong August 16, inilabas na ni Mitzi ang debut single niyang "Could Get Used To You," ang unang love song niya under GMA Playlist.
Pero bago pa man ang kanyang first single, naging boses na si Mitzi ng ilang theme songs para sa Kapuso series tulad ng "Lumigaya" mula sa Mga Lihim Ni Urduja, "Hadlang Man Ang Mundo" na theme song ng Return To Paradise, at "Balik" na OST ng Royal Blood, kung saan nakasama niya si Jeff Moses.
Ayon kay Mitzi, kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay dream niyang maka-duet ang mahuhusay na singers na sina Morissette at Sarah Geronimo.
Kuwento ng Kapuso singer, hindi niya napigilan noon na maging emosyonal nang makita ng personal si Morissette at marinig itong kumanta.
"Kasi dream ko na mapanood nang live si Ms. Morissette. Sobrang unexpected noong time na 'yon kasi umattend ako ng birthday party and then may narinig ako na familiar voice na kumakanta, and then pagharap ko, sabi ko, 'Oh my gosh! Si Ate Morissette.'"
Isa rin sa hinahangaang mang-aawit ni Mitzi ay ang Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose.
"Actually, naka-duet ko na si Ate Julie, first time kong mag-[All-Out Sundays]," sabi ni Mitzi. "So. natupad na 'yung isa sa mga nasa bucket list ko and isa sa mga pangarap ko."
Samantala, pakinggang ang "Could Get Used To You" sa video na ito: