GMA Logo mommy dearest
What's on TV

Mommy Dearest: Mookie, handa pa rin tanggapin si Emma?

By Kristian Eric Javier
Published June 26, 2025 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

mommy dearest


Mabawi pa kaya ni Emma ang kaniyang pamilya?

Matatanggap pa kaya ni Mookie (Shayne Sava) ang kaniyang Nanay Emma (Katrina Halili) matapos ng mga nangyari sa kanila sa Mommy Dearest?

Sa episode ng GMA Afternoon Prime series nitong Martes, June 24, matatandaan na sinubukan kaausapin ni Emma ang kaniyang anak sa tulong ni Zayn (Prince Carlos). Ngunit dahil puno na ng pagkamuhi si Mookie, hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa pagkawala nito.

Matapos makausap ni Zayn, naisip ni Mookie na bigyan ng pagkakataon ang kaniyang nanay na magpaliwanag. Ngunit nang marinig niya ang inaakalang plano ni Emma na sumama na kay Logan (Rocco Nacino) at iwan sila ay itinakwil na nito ang kaniyang nanay.

Ngunit hindi pa rin sumusuko si Emma na at makikipagtulungan ito kay Logan para mabawi ang kaniyang anak.

BALIKAN KUNG PAPAANO NAPASAYA NG MOMMY DEAREST CAST ANG KANILANG FANS SA NAGANAP NA KAPUSO MALL SHOW SA GALLERY NA ITO:

Sa episode nitong Miyerkules, June 25, nang malaman ni Emma na magbabakasyon si Mookie kasama ang tatay niyang si Danilo (Dion Ignacio) at si Jade, nagdesisyon siya at si Logan na magpunta rin sa parehong resort na pinuntahan nila.

Dito, ginagawa ni Emma ang lahat para saktan sina Jade at Danilo at subukang mabawi ang kaniyang anak. Ngunit tila nag-backfire ang plano niya dahil sa halip na mabigyan siya ng chance na mapalapit kay Mookie, hiniling pa nito na layuan na lang niya ang mga ito.

Tinakot pa ni Mookie ang kaniyang nanay na baka may kailangan pa siyang “gawin” para lang lumayo ito sa kanila.

Nasaktan man, hindi pa rin susuko si Emma at ipagpapatuloy ang laban niya kay Jade para muling mabawi si Mookie.

Matanggap pa kaya siya ni Mookie at magkaayos pa ang kanilang pamilya kasama si Danilo?

Abangan ang Mommy Dearest Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.

Panoorin ang naturang tagpo dito: