
Sa pagpapatuloy ng Mommy Dearest, mabubuo pa kaya ni Emma (Katrina Halili) ang kanyang pamilya?
Nitong mga nakaraang linggo, matatandaang pinadala ni Jade (Camille Prats) si Emma sa isang mental institution. Ngunit ang sabi nito sa pamilya ni Emma na sina Danilo (Dion Ignacio) at Mookie (Shayne Sava) ay nawala na ito.
Kalaunan, sinabi ni Jade na matapos makatakas ni Emma sa mental institution, sumama na ito sa ibang lalaki, dahilan para sumama ang loob at magalit sina Danilo at Mookie.
Kaya naman, kinuha ni Jade ang pagkakataon na ito para kunin ang loob nina Danilo at Mookie, at maging ang puso ng nauna. Kalaunan, inalok na niya ng kasal si Danilo na tinanggap naman niya.
Samantala, matapos malaman ni Ligaya (Amy Austria) ang totoong pagkatao ni Jade ay kinulong siya ng sariling anak para hindi nito ipagkalat. Dahil hindi nakikita ni Emma ang kanyang ina tuwing sumisilip siya sa bahay ni Jade, hindi siya mapakali sa pag-aalaa.
Hindi nagtagal ay kinailangang dalhin sa ospital si Ligaya, dahilan para makatakas siya. Tinulungan siya ni Logan (Rocco Nacino) ngunit dahil hindi niya alam na ito ang ina ni Emma, hinayaan na lang niya ito.
Ngunit hindi dito natatapos ang tulong na natanggap ni Ligaya dahil muling pumasok sa buhay niya si Ador (Lito Pimentel), ang dati niyang asawa at ama nina Jade, Olive, at Emma. Kinupkop muna pansamantala ni Ador si Ligaya pero hindi pa rin handa ang huli na patawarin siya.
Sa pagpapatuloy ng paghihiganti ni Emma kay Jade, mabuo pa kaya ang pamilya nila ni Danilo at Mookie, kasama sina Ligaya at Ador? Mapatawad pa kaya niya si Jade para tuluyang mabuo ang kanilang pamilya?
Abangan ang Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
MULING KILALANIN ANG MGA BIDA NG 'MOMMY DEAREST' SA GALLERY NA ITO: