
Walang duda na nag-deliver ang first episode ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife ngayong Lunes ng hapon, June 23.
Mas lalong naging espesyal ang world premiere ng highly-anticipated GMA Drama series dahil nakasama pa ng mga netizen ang lead stars ng show na sina Gabby Concepcion, Kylie Padilla, Jak Roberto, at Kazel Kinouchi na game na nakipag-chikahan sa fans habang nagli-livestream kasabay ng pilot episode.
Sa opening salvo ng My Father's Wife, bukod sa major cast ng show bumida din ang teen stars na sina Waynona Collings at Angel Cadao na gumanap sa young roles nina Gina at Betsy.
Sa mga tumutok naman sa livestream ng cast, umani ang My Father's Wife ng maraming positive comments at excited na ang lahat mapanood ang mga susunod na mangyayari.
Tutukan ang kuwento ng My Father's Wife, Monday to Saturday sa oras na 2:30 p.m., pagkatapos ng It's Showtime.