
Marami ngayon ang humahanga sa aktor at vlogger na si Mygz Molino dahil sa nakaka-inspire na mga content nito sa kanyang YouTube channel.
Kasalukuyang mayroong 1.67 million followers si Mygz sa naturang social media platform. Ginamit ni Mygz ang kanyang vlogs para makapagbigay ng tulong at inspirasyon sa maraming tao. Ilan dito ay ang pagbibigay ng negosyo, tulong pinansyal, pagpapagawa ng bahay, at pagpapagamot sa may mga kapansanan.
Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Mygz kung bakit ganitong klase ng content ang pinili niya.
"Sa panahon po kasi ngayon marami na pong nangyayari sa buhay natin, sa mundo, especially sa kinakaharap natin ngayon. Napili ko 'tong content na ito... parang as influencer nga po, ang sinasabi ko minsan nagiging example po tayo at tayo po ang pinapanood ng mga tao," sabi ng vlogger-actor.
Dagdag niya, "Sa akin po, ang ginagawa ko talaga is para maka-inspire po tayo ng mga tao. Hindi lang po sa pagtulong, minsan nag-a-advice po ako. Hindi naman po ako perpekto pero ginagawa ko 'yung part ko na makapag-advice, na makapagsabi sa kanila, at mabigyan sila ng pag-asa sa buhay--na hindi hadlang po ang kahirapan nila, hindi po hadlang ang kahirapan natin para sumuko tayo."
Ayon kay Mygz, ang isa sa mga goal niya ngayon ay ang magtuloy-tuloy ang pagbibigay niya ng inspirasyon sa marami.
"Kasi, sa akin po, hindi ko po nilalagay sa sarili ko na tigilan na itong bagay na ito kasi roon ako naggo-grow, doon ako nabubuhayan. Ito 'yung tumutulong sa akin para mas lalo kong gawin ang mga bagay na alam ko na mas makabubuti sa sarili ko, sa family ko, sa mga taong nagmamahal, at sa kapwa ko kababayan na naghihirap," pagbabahagi ni Mygz.
Samantala, bukod sa pagba-vlog, tuluy-tuloy rin sa kanyang showbiz career si Mygz sa ilalim ng Tyronne Escalante Artist Management.
Noong Sabado, August 13, napanood si Mygz sa kauna-unahang family sitcom ng GTV, ang Tols.
MAS KILALANIN SI MYGZ MOLINO RITO: