GMA Logo tbats mygz molino mahal
What's on TV

'TBATS' exclusive interview kay Mygz Molino tungkol sa buhay ni Mahal, trending sa Youtube!

By Dianne Mariano
Published November 2, 2021 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

tbats mygz molino mahal


Naging trending video sa YouTube ang eksklusibong panayam ni Mygz Molino sa 'TBATS,' kung saan ibinahagi niya ang masasayang sandali nila ng pumanaw na komedyanteng si Mahal.

Naging isa sa trending videos sa YouTube Philippines ang eksklusibong panayam ng The Boobay and Tekla Show kay Mygz Molino noong Linggo, October 31.

Photo courtesy: YouLOL (YouTube)

Sa naturang episode, isang espesyal na tribute ang handog ng late-night comedy show para sa yumaong komedyante na si Mahal o Noeme Tesorero sa tunay na buhay.

Hindi naman napigilang maging emosyonal ni Mygz nang tanungin siya ni Boobay kung ano ang pinaka nami-miss niyo sa yumaong komedyana at kinailangan muna nang ilang minuto upang kumalma bago makapagsalita.

Pahayag ng aktor, “Sobrang dami kong nami-miss sa kanya. Ang hindi mawala sa akin 'yung mga tawa niya, mga ngiti niya, 'yung mga pagbibigay niya ng kasiyahan sa amin, especially sa pamilya ko, sa mga tao na sumusuporta sa kanya. At saka siyempre, 'yung mga galawan niya, mga halakhak niya, 'yung lambing niya.”

Ayon pa kay Mygz, plano raw nila ni Mahal na gumawa ng mas maraming pang videos.

“Isa na 'yon sa gusto niyang gawin kasi si Mahal bawat plano niya, 'yung mga pangarap niya, 'yung mga gusto niyang gawin, sinasabi niya sa akin. Ako naman, binibigyan ko naman siya ng lakas ng loob na sabi ko, 'Sige, gagawin natin 'yan kapag natapos na 'yung mga ganitong problema' like for example, itong pandemic nga na nakakakaapekto,” pagbahagi niya.

Dagdag pa ng aktor bago siya muling naging emosyonal, “Gusto ko iparamdam sa kanya 'yung mga hindi niya nagawa noong mga dati pa.”

Ibinahagi naman ni Buboy na saksi siya sa magandang relasyon nina Mygz at Mahal noong magkakasama sila sa lock-in taping ng GMA Telebabad series na Owe My Love.

Sa kasalukuyan, ang special tribute episode na ito para sa yumaong komedyana ay mayroong mahigit sa 500,000 views sa YouTube.

Noong September, pumanaw si Mahal dahil sa mga komplikasyon dulot ng COVID-19.

Panoorin ang buong eksklusibong panayam ni Mygz Molino sa TBATS sa video na ito:

Samantala, muling alamin kung sino nga ba si Mygz Molino sa buhay ni Mahal sa gallery na ito: