
Nakatanggap ng birthday surprise si Nadine Samonte mula sa kanyang Forever Young family. Noong March 2, ipinagdiwang ng aktres ang kanyang 36th birthday.
Sa isang Instagram post, kita ang saya ng aktres sa natanggap na birthday surprise sa set ng Forever Young kung saan kinantahan at binigyan siya ng cake ng tumatayo niyang pamilya sa serye na sina Alfred Vargas, Althea Ablan, Princess Aliyah, at Euwenn Mikaell.
Sa video, maririnig ang hiling ni Nadine para sa bago niyang serye sa GMA na Forever Young. Sabi niya, "Ang wish ko sana tumagal tayo ng isang taon."
Sa Forever Young, makikilala si Nadine bilang ina ni Rambo, na pagbibidahan ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.
Ang Forever Young ay iikot sa pambihirang kuwento ni Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10 year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Makakasama rin na Nadine sa serye sina Michael de Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at Anjo Damiles.
Abangan ang Forever Young, soon sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: