
Ramdam na ramdam ni Nadine Samonte ang pagmamahal at suporta ng kanyang buong pamilya para sa bago niyang serye sa GMA, ang Forever Young.
Sa isang Instagram post, ipinakita ni Nadine ang pagbisita sa kanya ng asawang si Richard Chua at mga anak na sina Heather, Austin, at Harmony sa set ng Forever Young.
Naka-bonding din ng mga anak ni Nadine ang mga anak-anakan niya sa serye na sina Euwenn Mikaell at Althea Ablan.
"They visited me today dito sa set ng 'Forever Young.' Thank you, my family. I love you 4," sulat ni Nadine.
Sa upcoming afternoon series, makikilala si Nadine bilang ina ni Rambo, na pagbibidahan ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.
Ang Forever Young ay iikot sa pambihirang kuwento ni Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10 year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Makakasama rin na Nadine sa serye sina Alfred Vargas, Michael de Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at Anjo Damiles.
Abangan ang Forever Young, soon sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: