GMA Logo funeral of nora aunor
What's Hot

National Artist Nora Aunor, inilibing na

By Kristine Kang
Published April 22, 2025 1:07 PM PHT
Updated April 22, 2025 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

funeral of nora aunor


Rest in peace, Superstar Nora Aunor.

Naging emosyonal ang mga kaibigan, pamilya, at fans nang ihatid na sa huling hantungan ang National Artist for Film and Broadcast na si Superstar Nora Aunor.

Nitong Martes, April 22, dumagsa ang mga tao sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City upang dumalo sa state funeral ng beteranang aktres.

Inilibing si Nora sa Section 13 ng libingan, kasama ang ibang national artists at scientists. Katabi ni Nora ang mismong direktor ng kanyang pelikula na Himala, na si Direktor Ishmael Bamal.

Bago ang libing, nagsagawa muna ng state necrological services bilang pagpupugay kay Nora sa Metropolitan Theater, Maynila noong umaga.

Present ang pamilya at mga anak ng Superstar na sina Ian, Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon. Nagbigay rin ng parangal ang ilang Pambansang Alagad ng Sining sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga bulaklak bilang respeto at pagmamahal sa Superstar.

Naghandog naman ng kanta sina Angeline Quinto at Jed Madela. Inawit nila ang makabagbag-damdaming kanta na "Superstar ng Buhay Ko."

Isang mensahe naman ang ibinahagi ng batikang manunulat na si Ricky Lee, na lalong nagpaluha sa mga dumalo:

"Hindi pa natatapos ang kwento mo, nagsisimula pa lang. Ang pangalan mo ay pangalang sasagutin namin lagi na walang pagod sa mga susunod pang henerasyon upang hindi nila makalimutan kailanman na minsan sa isang ginintuang panahon ay may isang bituin walang kupas na nagningning sa kalangitan ng ating mga buhay. Minahal mo kami ng lubos na kasing halos walang natira para sa sarili. Hayaan mong mahalin ka rin namin hanggang sa walang hanggan," mensahe ni Ricky Lee.

Balikan ang mga mensahe ng ilang celebrities para kay Nora Aunor dito:

Noong 2022, iginawad ng Malacañang si Nora Aunor bilang isa sa mga pitong Philippine culture and arts figures na binansagang National Artists ng bansa. Pinangalan siyang National Artist for Film and Broadcast Arts kasama sina screenwriter Ricky Lee at late direktor Marilou Diaz-Abaya.

Mas nakilala si Nora sa kanyang award-winning performance sa Pinoy classic film na Himala.

Nakasama rin si Nora ng ilang Kapuso stars sa iba't ibang proyekto. Ilan sa mga ito ay ang pelikulang Mananambal (2025) kung saan nakasama niya si Bianca Umali, pati na rin ang mga GMA shows tulad ng Lilet Matias: Attorney-at-Law (2024) at Onanay (2018).

Balikan ang career highlights ni Nora Aunor, dito: