
Para sa maraming straight actors, hindi biro ang gumanap bilang isang gay. Madalas ay natatali sila sa stereotypes na madalas nakikita sa pelikula at telebisyon.
Kaya naman si Kamao actor Neil Ryan Sese, nakipagtulungan sa direktor ng kanilang serye na si L.A. Maridejos para buuin ang karakter na kanyang ginagampanan.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 10, inamin ni Neil na naging challenging para sa kaniya ang pagganap sa role ni Nonoy Batumbacal, isang gay boxer.
“'Yun nga, kailangan hanapin ko 'yung balanse ng magiging tapang na boksingero, pero mahinhin bilang gay,” sabi ng aktor.
“Kailangan may puso talaga siya pusong nagmamahal, puso na gustong tanggapin ng lipunan. Tao siya, hindi siya bading lang, parang ganu'n 'yung napag-usapan namin,” sabi ni Neil.
KILALANIN ANG YOUNG ACTORS NA GUMANAP NA SA LGBTQIA+ ROLES SA GALLERY NA ITO:
Sa kabila ng challenging na role, masaya naman at proud umano si Neil sa kanilang proyekto. Sa katunayan, tuwang-tuwa pa nga siya kapag nakikilala siya at pinupuri ang Kamao ng mga nakakasalubong niya sa mall.
Kung dati ay galit ang fans sa kaniya dahil madalas na kontrabida ang kaniyang roles, ngayon ay natutuwa ang mga ito kay Neil tuwing nakakasalubong siya.
“Bilang artista, nakakatuwa na naa-apreciate 'yung pinaghirapan n'yo. Tapos pagkatapos ng taping, uuwi ka, da-drive ka, nakangiti ka kasi alam mong maganda 'yung tinrabaho mo,” sabi ni Neil.
Panoorin ang panayam kay Neil dito: