
Nitong August 13, nakabalik na ng Pilipinas si Nesthy Petecio, ang isa sa mga atletang nakapag-uwi ng medalya mula sa 2024 Paris Olympics.
Sa Instagram, kinagigiliwan ngayon ang latest post ni Nesthy.
Makikita sa naturang post ang dalawang larawan, kung saan kasama niya ang aktres na si Diana Zubiri.
Si Diana ay kilala rin ng marami bilang ang unang Sang'gre Danaya sa hit GMA fantasy series na Encantadia.
Ayon sa caption ng Olympic bronze medalist, labis siyang nagulat nang makaharap niya ang isa sa mga Sang'gre.
Sulat ni Nesthy, “Grabe, 'yung muntikan ko na siya matamaan kasi ang likot-likot ko. Tapos pagharap ko si Sang'gre Danaya pala, bigla ako natakot eh.”
“Pashnea ka, Nesthy,” pahabol pa niya.
Samantala, bukod kay Nesthy, matagumpay ding nakapag-uwi ng bronze medal ang kapwa niya Filipino boxer na si Aira Villegas.
Related gallery: Paris Olympic athletes who are trending online