GMA Logo Ashley Ortega Xian Lim
Photo by: Ashley Ortega
What's on TV

Netizens, kinilig sa 'wardrobe malfunction' scene nina Ashley Ortega at Xian Lim sa 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published April 5, 2023 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega Xian Lim


Ipinakita ni Ashley Ortega ang ilan sa behind the scenes ng "ward malfunction" scene nila ni Xian Lim sa 'Hearts On Ice.'

Maraming netizens ang kinikilig sa "wardrobe malfunction" scene nina Ashley Ortega at Xian Lim sa episode 17 ng Hearts On Ice na umere nitong Martes, April 4.

Sa nasabing episode, nagkaroon ng wardrobe malfunction si Ponggay (Ashley) habang nasa kalagitnaan ng kanyang audition kung saan natanggal ang strap ng damit nito dahilan para huminto siya sa pagpe-perform sa ice.

Kitang-kita naman ang pag-aalala ni Enzo (Xian Lim) nang makita ang nangyari kay Ponggay kaya agad niya itong pinuntahan sa ice rink at sinuutan ng jacket. Dahil sa ginawang ito ni Enzo, hindi naiwasan ni Ponggay na mapatitig sa kanya.

"Kinikilig ako sa inyo Enzo," komento ni Myleen Tadili.

"Kilig naman ako, ayiee," dagdag ni Ellehcim Yerab Oicnesalliv.

"Kakabitin naman, pero nakakakilig ginawa ni cold-hearted kay Ponggay. Bagay sila. Mamaya aabangan ko ulit 'to," sulat ni Junmiel Delacruz.

"Nakakakilig," sabi naman ni Ate Mong Guards.

Comments

Sa Facebook, ibinahagi ni Ashley ang ilan sa behind the scenes ng "wardrobe malfunction" scene nila na ito ni Xian.

Samantala, may pag-asa pa kayang mapili si Ponggay bilang makakapareha ni two-time Winter Olympian Michael Martinez matapos ang nangyaring wardrobe malfunction sa kanya at matumba habang nagpe-perform sa ice?

Sino kaya kina Ponggay, Monique (Roxie Smith), at Sonja (Skye Chua) ang mapipili sa audition? Abangan iyan ngayong Miyerkules sa Hearts On Ice.

Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: