
Nag-react ang netizens sa unang pasilip sa bagong pelikulang pagbibidahan ni David Licauco.
Si David ay gaganap bilang diakono ng mga parokyano sa pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan.
PHOTO SOURCE: GMA Pictures
Ang Samahan Ng Mga Makasalanan ay mula sa GMA Pictures at ipapalabas na sa Abril.
Ipinakita sa social media post ng GMA Pictures ang look ni David bilang isang diakono. Sinundan pa ito ng tanong na "Kung si David Licauco ang magdadala sa'yo sa tamang daan, sasama ka ba?"
Agad namang sumagot ang netizens sa post na ito tungkol kay David. Saad ng ilang netizens, "Sasama agad agad"
Mayroon ding sumagot ng "Sasama po!", "Always pugi", at "Oo syempre."
Ayon pa sa isang comment, "kahit saan daan pa yan, sasama ako basta si David ang kasma"
Abangan si David sa Samahan Ng Mga Makasalanan sa darating na April 19 kasama sina Sanya Lopez, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Buboy Villar, at marami pang iba.
SAMANTALA, BALIKAN ANG COOLEST TRAVEL PHOTOS NI DAVID: