GMA Logo Marian Rivera, Kim Seon-ho
What's Hot

Netizens react to Marian Rivera's rumored movie with Kim Seon-ho

By Jimboy Napoles
Published September 10, 2021 5:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera, Kim Seon-ho


Are the rumors true? Will the Primetime Queen star opposite "Good Boy" from 'Start-up' a.k.a. Kim Seon-ho?

Mabilis na kumalat sa online community ang balita na napili raw si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na gumanap bilang Filipino mother ni Kim Seon-ho sa first-ever movie nito na 'Sad Tropics'.

Ang kwento ng pelikula ay iikot sa isang lalaking nangangarap na maging boksingero. Hahanapin niya ang kaniyang ama na isang Korean matapos ang maraming taon ng pag-abandona nito sa kanila ng kaniyang ina na isang Pinay na nababalitaang gagampanan nga ni Marian.

Hindi mapakali ang fans ng Kapuso Actress at agad na nag-post sa social media. Narito ang ilan sa sari-saring reaksyon at komento ng mga netizen.

Source: Facebook and TikTok


May ilang fans naman na nagsabing hindi bagay kay Marian ang mother role dapat ang Kapuso actress na lang daw ang maging female lead ni Kim Seon-ho.

Source: Facebook and Tiktok


Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa aktres kung totoo ang balitang magiging parte siya ng international film na ito.

Kasalakuyang napapanood si Marian gabi-gabi sa GMA Telebabad sa rerun ng Philippine adaptation ng hit Korean drama series na 'Endless Love' bilang si Jenny.

Samantala, tignan ang ilan sa stunning photos ng aktres sa gallery na ito: