
Matapos gumanap bilang si Padre Salvi sa well-loved Kapuso series na Maria Clara at Ibarra, may bagong karakter ngayon ang celebrity dad na si Juancho Trivino sa digital series ng GMA Public Affairs na In My Dreams.
Ang nasabing serye ay pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay. Dito ay gaganap si Juancho bilang isang psychology professor na tutulong kay Sari (Sofia Pablo) na intindihin ang kaniyang mga kakaibang panaginip.
“I play a professor here who kind of guides the main character Sari (Sofia Pablo) to realize what's happening with her anxiety and the dreams that she has been having so medyo important part siya being her guide and helping her out with what she is going through as a young adult,” ani Juancho sa kaniyang karakter.
Ayon naman kay Juancho, gusto niya lamang din na maging relatable ang kaniyang karakter upang mas mapalapit sa mga tao gaya ng kaniyang naging pagganap bilang si Padre Salvi.
Kuwento niya, “Hindi ko talaga iniisip na kailangan tumatak sa ibang tao ['yung role ko] you know what I think about is how can I be creative at papaano ko maipakikita sa mga tao na relatable 'yung character ko.”
“Siguro output 'yun kung nagkaroon man ng impact sa mga tao 'yung pagiging relatable ng character ko. So maraming paghahanda talaga ang ginagawa usually sa character studies na ginagawa ng mga artista,” dagdag pa ni Juancho.
Iikot ang kuwento ng In My Dreams sa business student at No Boyfriend Since Birth o NBSB na si Sari na ginagampanan ni Sofia, at kay Jecoy na binibigyang buhay naman ni Allen.
Upang maibsan ang kanyang kalungkutan sa realidad ng buhay, nakabuo ng bagong mundo si Sari sa pamamagitan ng lucid dreaming kung saan niya nakilala si Jecoy. Sa kanyang panaginip, pawang kasiyahan lamang ang kanyang nararanasan kasama si Jecoy.
Hanggang panaginip na lamang ba ang love story nina Sari at Jecoy? O may pag-asa pang magtagpo muli ang kanilang mga landas sa totoong buhay?
Mapapanood ang In My Dreams ay ngayong Abril sa lahat ng GMA online platforms.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES PHOTOS SA TAPING NG IN MY DREAMS SA GALLERY NA ITO: